^

Metro

Magsyota dedo sa tandem

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Patay ang isang magkasintahan matapos pagbabarilin habang nagkukwentuhan sa harap ng isang bahay sa Bgy. Commonwealth sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Marlon Moralde,19, ng no. 1931 Adarna St., Unit 5, Brgy. Commonwealth at Marian Gandia,14, ng no. 52 Creekside, Pilot Area ng nasabi ring barangay.

Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, may-hawak ng kaso, dalawang lalaki na  armado ng kalibre .45 baril at kalibre 9mm at sakay ng isang motorsiklo ang tomodas sa magkasintahan.

Sa imbestigasyon ni Cornejo, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Adarna Extension, corner Campopot St., Brgy. Commonwealth ganap na alas 9 ng gabi.

Ayon sa  testigong si Candy Moralde, tatawagin sana niya ang kapatid na si Marlon at ang kasintahan nito na nagkukwentuhan sa labas ng kanilang bahay nang dumating ang motorsiklo ng mga suspect.

Mula rito ay bumaba ang backrider na suspect sa motorsiklo, sabay bunot ng baril at inupakan ng putok ang magkasintahan.

Sa kabila ng natamong mga sugat, nagawa pang makatakbo ng magkasintahan pero sinundan sila ng suspect at muling pinagbabaril.

Nang duguang nakahandusay ang mga biktima, bumaba naman ang isa pang suspect na driver ng motorsiklo at nilapitan si Moralde at pinagbabaril pa ito sa ulo.

Makaraan ang pamamaril ay agad na sumibat papalayo ang mga suspect sakay ng kanilang motorsiklo.

Dagdag ni Cornejo, posibleng ang biktimang si Marlon lamang ang target ng mga suspect at nadamay na lamang umano ang kasintahan nito.

Sinasabing love triangle ang ugat ng pamamaslang, bagay na hindi naman kinumpirma ng nasabing im­bestigador.

Narekober ng SOCO sa lugar ang tatlong basyo ng kalibre 45 baril, pitong basyo ng kalibre 9mm na baril at isang depormadong bala ng kalibre 45 baril. 

vuukle comment

ADARNA EXTENSION

ADARNA ST.

AYON

BRGY

CAMPOPOT ST.

CANDY MORALDE

CORNEJO

MARIAN GANDIA

MARLON

MARLON MORALDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with