^

Metro

Kano dinedo ng holdaper

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Napatay ang 38-anyos na American national matapos itong pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihang holdaper na nanloob sa convenience store sa Malate, Maynila kahapon ng hapon.

Hindi na umabot ng buhay sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Robert Armstrong.

Samantala, nakatakas naman ang mga armadong holdaper.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan kay P/Senior Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng Manila Police District-Homicide  Section, bandang alas-2 ng hapon nang pasukin at holdapin ang 7-11 convenience store sa panulukan ng Vito Cruz at F.B. Harrison Street sa tapat ng gasolinahan.

Nabatid sa ulat na tatlo sa suspek ang pumasok  sa loob ng nasabing tindahan na nagdeklara ng holdap  at dalawa ang nagsilbing lookout sa labas.

“Yung biktima kustomer din siya, mga sampu raw lahat ang kustomer nang holdapin. Yung mga holdaper naman dalawa lang ang sinasabing nakamotorsiklo na nakita kasi nagpanggap na kustomer ang tatlo na armado at nangholdap,” ani Layugan.

Nataranta ang ilang kustomer ng 7/11 store na nakapasok sa loob ng opisina nito habang nililimas ng mga suspek ang pera sa kaha .

Ang kustomer na Kano umano ay biglang lumabas at tinungo ang kaniyang sasakyang Mazda na kulay asul kung saan binaril ng mga suspek habang nagbubukas ng pintuan ng  kaniyang kotse.

ALONZO LAYUGAN

DIOS HOSPITAL

HARRISON STREET

JOSELITO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE

ROBERT ARMSTRONG

SAN JUAN

SENIOR INSP

VITO CRUZ

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with