^

Metro

PDEA 'off limits' sa pulitika

- Danilo Garcia - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Tiniyak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na hindi sila makikialam sa anumang uri ng pamumulitika sa  kanilang trabaho sa iligal na droga lalo na’t papalapit ang panahon ng eleksyon sa susunod na taon.

Ito’y makaraan ang mga ulat na mga personalidad sa pulitika sa bansa ay nais gamitin ang PDEA para sa kanilang personal at political ambition kabilang na si Ta­guig 2nd District Rep. Freddie Tinga na umano’y target ng character assassination ng kanyang mga karibal.  

Sa ulat na nakarating umano sa kanya, nakatanggap ang ilang PDEA agent ng P1 milyon at mamahaling sasakyan upang umimbento ng mga pekeng intelligence reports laban sa kanya.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose Gutierez na pa­wang espekulasyon lamang ang naturang mga ulat at walang batayan. Tiniyak nito kay Tinga na hindi niya papayagan na magamit ang ahensya sa pamumulitika at itutuloy ang kampanya laban sa iligal na droga ng walang takot.

Sinabi naman ni PDEA spokesman Derrick Carreon na hindi kumakampi kaninuman ang PDEA sa kailang laban sa iligal na droga at tiniyak na tuloy sila sa pagsunod sa “tuwid na daan” ni Pangulong Aquino. 

AYON

DERRICK CARREON

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE GUTIEREZ

DISTRICT REP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

FREDDIE TINGA

PANGULONG AQUINO

PDEA

TINIYAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with