Sa pagpasok ng 'ber' months NCRPO ipinanawagan ang dobleng pag-iingat ng publiko
MANILA, Philippines - Mariing nanawagan kahapon ang pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa publiko na doblehin ang pag-iingat ngayong pumasok na ang ‘ber’ months.
Ayon kay NCRPO Chief Director Alan Purisima, sinimulan na nilang ipatupad ang “Preemptive Security Alertness” ngayong pagpasok ng Setyembre.
Kahapon ay agad na inatasan ni Purisima ang lahat ng mga Regional Directors, station commanders na doblehin ang seguridad lalo na sa mga matataong lugar.
Bukod dito, mahigpit na pinababantayan ni Purisima ang mga vital installation kabilang na ang mga malls, banko, bus terminals at mga pampasaherong bus at jeep na madalas na binibiktima ng mga kawatan.
Bukod pa dito inatasan din niya ang kapulisan na kung maaari ay 24/7 magbantay sa kani-kanilang mga nasasakupang lugar upang hindi makapangbiktima ang mga masasamang elemento at walang magbubuwis na buhay.
Ayon pa kay Purisima na nagiging aktibo ang masasamang loob tuwing sumasapit ang ber months dahil sa pagpasok ng Christmas season.
- Latest
- Trending