Biktima na naman ng salvage natagpuan
MANILA, Philippines - Isa na namang hinihinalang biktima ng salvage ang natagpuan kahapon sa lungsod Quezon, ito ang pang-11 bangkay na natagpuan noon lamang buwan ng Agosto sa nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, ang mga bangkay ay nakasuot ng kulay blue na t-shirt, gray na short pants at tadtad ng tattoo sa katawan tulad ng “Matamis, Fellie, Obet.” Natagpuan ang biktima sa harapan ng Caltex Gasoline Station sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Brgy North Fairview sa lungsod, ganap na alas-5:40 ng umaga. Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ng QCPD lumilitaw na may markang sakal ang biktima sa leeg na siyang ginamit na paraan ng mga salarin sa pagpatay dito. Bukod dito, may sugat ding nakita sa batok ng biktima at halos humiwalay na mula sa ulo ang kaliwang tenga nito.
- Latest
- Trending