^

Metro

Carjackers muling sumalakay, sasakyang Montero tangay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umatake na naman ang kilabot na carjacking group sa lungsod Quezon makaraang isang Mitsubishi Montero ang tinangay sa isang mag-ina habang ipinaparada sa harap ng isang establisyemento sa lungsod kahapon. Ayon kay SPO3 Ed Peralta, Quezon City Police Station 2, bukod sa sasakyan na Montero na kulay silver model 2010 (NQK-708) nakuha pa sa mga biktimang sina Liliosa Jusena, 62, negosyante at anak na si Neil Josena, 40 ang dala nitong pera na nagkakahalaga ng P100,000. Sabi ni Peralta, ang nasabing salapi ay gagamitin sana ng matandang Jusena na pampagamot sa dinadala nitong sakit umano sa buto. Dagdag ng opisyal, tatlong armadong suspect ang tumangay sa naturang sasakyan ng mag-ina sa may harap ng Hollywood Building na matatagpuan sa West Avenue sa lungsod ganap na alas -7 ng umaga. Diumano, sakay ng kanilang sasakyan ang mag-ina at ipaparada na sana ng nagmamanehong si Neil sa harap ng gusali ang kanyang sasakyan nang biglang sumulpot ang mga suspect at tinutukan ang mga ito ng baril.

Kasunod nito, sumakay ang mga suspect sa sasakyan at kinomander ito kasama ang mag-ina patungong Delta. Pagsapit sa Edsa Balintawak ay nagpasya ang mga suspect na ibaba ang mga biktima. Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon sa kaso habang ang nasabing kotse ay inalarma na ng QCPD sa lahat ng kapulisan para sa posibleng recovery nito at maaresto ang mga suspect.

AYON

ED PERALTA

EDSA BALINTAWAK

HOLLYWOOD BUILDING

LILIOSA JUSENA

MITSUBISHI MONTERO

NEIL JOSENA

QUEZON CITY POLICE STATION

WEST AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with