^

Metro

Babaeng nagpasagasa sa tren ng LRT, may malubhang karamdaman

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Lumalabas na malubhang karamdaman ang dahilan ng pagpapasagasa ng isang 52-anyos na babae sa tren ng LRT kamakalawa sa Pasay.

Kasabay nito, kinilala na rin ng kapatid na si Jose Aroma ang biktima na si Lucy Aroma­, ng Brgy. 184 Maricaban, Pasay City. Ito ay makaraang makita ang bangkay ng biktima sa Funeraria Rizal.

Ayon kay Jose, may ma­laking bukol sa pisngi umano ang kanyang kapatid na hinihinala nilang isang tumor. Ma­tagal na umano nitong iniinda ang sakit at maa­aring nagdulot ng matin­ding depres­yon dito. Nakatakda na umanong isa­ilalim ito sa ope­rasyon ngunit maaaring hindi na nahintay ng kanilang ate.

Sinabi pa nito na hindi nila alam nang umalis ng bahay si Lucy kung saan walang dinalang ibang gamit maging ang cellular phone ay iniwan nito upang hindi makontak.

Sa pagrebisa naman sa footage ng Closed Circuit Tele­vision (CCTV) ng LRT, maki­kitang sinadya talagang tumalon ng biktima sa riles habang parating ang tren na pinatatakbo ni Anthony Gunay.

Kinuwestiyon naman ni LRT Authority spokesman Atty. Hernando Cabrera ang pagsasampa ng Pasay City Police ng kaso laban kay Gunay dahil sa kitang-kita naman na sinadyang magpatiwakal ng biktima. Naniniwala ito na dapat talagang maisailalim ito sa imbestigasyon ngunit kinuwestyon ang pagsasampa ng kaso.

Sinabi rin ni PO3 Rodolfo Suquina, imbestigador sa kaso, na kumbinsido na sila na nagpatiwakal talaga ang biktima dahil sa lumuhod pa ito habang parating ang tren bago ito na­sagasaan.

ANTHONY GUNAY

CLOSED CIRCUIT TELE

FUNERARIA RIZAL

HERNANDO CABRERA

JOSE AROMA

LUCY AROMA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RODOLFO SUQUINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with