^

Metro

'Tulak' patay sa engkwentro

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Utas ang isang hinihinalang ‘tulak’ ng droga makaraang makipagpalitan umano ng putok sa mga tropa ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ang nasawi na si Reynante Ambrosio, 40, ng Molave St., Libertad, Pasay City.

Nasawi si Ambrosio sa pakikipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng QCPD-Station 4 sa madilim na eskinita sa kahabaan ng Kabilugan St., Brgy. Gulod sa lungsod, ganap na alas-12:30 ng madaling araw.

Nag-ugat ang engkwentro nang maispatan ng tropa ng mga pulis sa madilim na eski­nita. Dahil sa kahina-hinalang kinikilos, ipinasya ng mga awto­ridad na lapitan ito para sitahin pero hindi pa sila nakakalapit ay bigla silang pinaputukan sanhi upang mauwi sa eng­kwentro na dito tinamaan ang suspect na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Narekober sa kanang bulsa ni Ambrosio ang tatlong sachet ng shabu, gayudin ang isang kalibre 38 baril na may apat na bala. Posible umanong naghihintay ng ka-transaksyon sa lugar ang suspect.  

AMBROSIO

BRGY

DAHIL

GULOD

KABILUGAN ST.

KINILALA

MOLAVE ST.

PASAY CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

REYNANTE AMBROSIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with