^

Metro

Dagdag pasahe sa MRT/LRT, haharangin

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Pipiliting harangin ng isang commuter’s group ang plano ni Transportation Secretary Mar Roxas na taasan ang singil sa pasahe ng Metro Rail Transit 3 at Light Rail Transit Line 1 at 2.

Ito ang inihayag ni National Council for Commuter’s Protection (NCCP) president Elvira Medina makaraan na sabihin ni Roxas sa budget hearing sa Kongreso kamakailan ang planong taasan ang pasahe dahil sa hindi na kakayanin ng P5.1 bilyong subsidiya sa MRT at LRT ang lahat ng gastusin.

Ayon kay Medina, kailangan munang ipaliwanag ni Roxas kung ano ang mga gastusin at hindi sasapat ang naturang napakalaking subsidiya gayong tuloy naman ang pagdami ng mga pasahero na nagbabayad.

Kailangan ring ipaliwanag umano ng DOTC kung saan rin napupunta ang kita sa mga patalastas o “advertisement” at mga negosyo na nakatirik sa mga istasyon ng MRT at LRT na dagdag kita rin sa ahensya.

Iginiit ni Medina na hindi pa napapanahon ang pagtataas pasahe sa MRT at LRT dahil sa hindi naman tumataas ang kita ng mga ordinaryong Pilipino na suki ng rail systems sa kanilang pagpasok sa mga trabaho.

AYON

ELVIRA MEDINA

IGINIIT

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL COUNCIL

ROXAS

TRANSPORTATION SECRETARY MAR ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with