^

Metro

Freddie Aguilar nilooban

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines -  Natangay ang tinatayang aabot sa 12,000 US dollar na nakalagay sa vault ng sikat na singer/composer na si Freddie Aguilar matapos na pasukin ang bahay nito ng hindi matukoy na magna­nakaw sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon sa pulisya, natuklasan ni Aguilar ang pagnanakaw ganap na alas-3, Linggo ng hapon sa kanyang tinutuluyan sa Avery St., Brgy. North Fairview sa lungsod.

Ang pera ay nakalagay sa loob ng isang vault na nasa master’s bedroom, kung saan ayon sa singer ay huli niyang nakita ang pera nang buksan niya ito ay noong August 20, 2012 ganap na alas-3 ng hapon.

Tanging ang pera lamang ang nakuha sa loob ng bahay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Danilo Tuscano, lumilitaw na walang nakitang puwersahang pagpasok sa loob ng bahay ng mang-aawit dahil ang susian at combination lock ng vault ay intact, kaya naman naniniwala ang awtoridad na posibleng kilala nito ang magnanakaw na may alam sa kombinasyon ng numero ng vault o secret number code nito. Tanging ang may access lamang sa vault bukod kay Aguilar ang maaring mag­bukas nito at kumuha ng pera.

Dagdag nito, alam na ng singer kung sino ang responsable pero hindi pa umano nito sinasabi sa awtoridad.

AGUILAR

AVERY ST.

AYON

BRGY

DAGDAG

DANILO TUSCANO

FREDDIE AGUILAR

LINGGO

NATANGAY

NORTH FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with