^

Metro

3 bumbero, 1 pa sugatan sa sunog

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Apat katao kabilang ang tatlong fire volunteers ang nasugatan matapos na rumes­ponde sa nasusunog na isang two-storey building na tinitirahan ng isang punong barangay kung saan nadamay ang 10 kabahayan sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga.

Kinilala ang mga sugatang bumbero na sina Joshua Guanzon, 16, Rolando Rodriquez Jr., 43, Francisco Vargas, ng Blue Eagle Text Fire Communication at ang residente sa lugar na si Kadapi Pawaki, 24.

Sa report ng Bureau of Fire Protection, alas-11:30 ng umaga nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Chairwoman Arlene Tan ng Brgy. 234 Zone 12 sa Antonio Rivera St., Tayuman.

Agad na kumalat ang apoy na umabot sa ika-limang alarma na rito ay nadamay ang katabing apat-na-palapag na gusali at ang 10 kabahayan o ang 20 pamilya na nasa tabi at likuran ng bahay ng punong barangay.

Ayon sa BFP, gawa sa light materials ang mga bahay kaya mabilis na kumalat ang apoy.

ANTONIO RIVERA ST.

APAT

BLUE EAGLE TEXT FIRE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHAIRWOMAN ARLENE TAN

FRANCISCO VARGAS

JOSHUA GUANZON

KADAPI PAWAKI

ROLANDO RODRIQUEZ JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with