'Tulak' na bebot, timbog

MANILA, Philippines - Isang babae na umano’y big-time na drug pusher ang naaresto ng mga operatiba sa isinagawang anti-illegal drug operation sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang suspect na si Adelia Mendoza-Gallardo, 43, ng Marcel Village Himlayan Road, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Si Gallardo ay inaresto sa kanto ng Luzon Avenue, Brgy. Old Balara sa lungsod, ganap na alas-2 ng hapon

Ang pagdakip kay Gallar­do ay bunsod ng impormasyong ipinarating sa kanilang tanggapan hinggil sa iligal nitong gawain sa lugar.

Matagal na umanong mina­manmanan ng pulisya si Gallardo bago isinagawa ang isang buy-bust operation kung saan isang asset ang nagkunwaring buyer nito at dito na ito dinakma ng pulisya.

Nakuha rin mula sa suspect ang isang bag na nagla­laman ng naka-repack na hindi pa mabatid na halaga ng shabu.

Show comments