'Tulak' na bebot, timbog
MANILA, Philippines - Isang babae na umano’y big-time na drug pusher ang naaresto ng mga operatiba sa isinagawang anti-illegal drug operation sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ang suspect na si Adelia Mendoza-Gallardo, 43, ng Marcel Village Himlayan Road, Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.
Si Gallardo ay inaresto sa kanto ng Luzon Avenue, Brgy. Old Balara sa lungsod, ganap na alas-2 ng hapon
Ang pagdakip kay Gallardo ay bunsod ng impormasyong ipinarating sa kanilang tanggapan hinggil sa iligal nitong gawain sa lugar.
Matagal na umanong minamanmanan ng pulisya si Gallardo bago isinagawa ang isang buy-bust operation kung saan isang asset ang nagkunwaring buyer nito at dito na ito dinakma ng pulisya.
Nakuha rin mula sa suspect ang isang bag na naglalaman ng naka-repack na hindi pa mabatid na halaga ng shabu.
- Latest
- Trending