^

Metro

Kahon napagkamalang 'bomba', lumikha ng matinding trapik

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Matinding trapik ang idinulot ng isang kahon na iniwan sa gitna ng P. Tuazon Street sa Quezon City makaraang mapagkamalang isa itong bomba kahapon ng umaga.

Unang inihayag ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang opisyal na MMDA Twitter account­ kung saan pinayuhan ang mga motorista na dumaraan sa C5-Katipunan Road at P. Tuazon na dumaan sa ibang ruta dakong alas-12:22 ng hapon.

Rumesponde naman ang bomb squad ng Quezon City Police District (QCPD) na kinordon ang bahagi ng kalsada at dinifuse ang napagkamalang bomba na sa huli’y isa lamang ordinaryong karton.

Sinabi ni MMDA traffic discipline office head, Yves Gonzalez na iniwan ang karton sa loob ng isang inabandonang behikulo.

Sa kabila na nagdulot ng matinding trapiko, iginiit nito na kailangang unahin pa rin ang kaligtasan ng publiko sa inaakalang bomba kaya kinailangan ng tulong ng pulisya na may kasanayan sa naturang mga pagkakataon.

KATIPUNAN ROAD

MATINDING

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RUMESPONDE

SINABI

TUAZON

TUAZON STREET

YVES GONZALEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with