^

Metro

Pamilya, 4 utas sa masaker

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Apat katao na kabilang sa isang pamilya ang nasawi, habang isa pa ang nasa kritikal na kondisyon matapos na pagsasaksakin ng kanilang houseboy, kung saan namatay din ang suspek makaraang mag­saksak sa sarili kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga saksak sa katawan sina Hannah Castro, 15, 3rd year high school student; Samuel Castro, 6; at isang-buwang sanggol na si Phoebel.

Namatay naman habang ginagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib ang ina na si Berna Castro, 36, habang gina­gamot naman sa Valenzuela General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan si Joshua Castro, 12.

Samantala, ang suspect na nagsaksak din sa sarili matapos ang isinagawang krimen ay namatay habang nilalapatan ng lunas ay kinilalang si Jeffrey Torla, 27, at stay-in boy ng pamilya Castro.

Nabatid kay Sr. Supt. Wilben Mayor, hepe ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng uma­ga sa loob ng bahay ng mga Castro sa Saint Jude Subdivision, Brgy. Malinta, ng nabanggit na lungsod.

Nakita ni Joshua na pinagtatangkaang gahasain ng suspek ang inang si Berna, na naging dahilan upang sumaklolo ito, gayun­man lingid sa kaalaman ng bata ay may dalang patalim ang suspect na agad na isinaksak sa biktima.

Kahit sugatan ay nagawang makalabas ng bahay ni Joshua at nakapagsumbong sa mga pulis.

Nang respondehan ng mga awtoridad ay natagpuang patay na sina Hannah­, Samuel at ang sanggol na si Phoebel.

Habang si Berna naman ay nagawa pang isugod sa ospital subalit hindi na rin nailigtas pa ang buhay. Sinasabing si Phoebel ay hindi anak ni Berna kundi pamangkin.

Nabatid na nagsaksak din sa sarili ang suspect na nagawa pang isugod sa ospital pero nasawi rin.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito.

vuukle comment

BERNA

BERNA CASTRO

HANNAH CASTRO

JEFFREY TORLA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

JOSHUA CASTRO

NABATID

PHOEBEL

SAINT JUDE SUBDIVISION

SAMUEL CASTRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with