^

Metro

9-buwang buntis, nagbigti dahil sa selos

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na hinintay ng isang ginang na ma­iluwal niya ang 9-buwang ipinagbubuntis makaraang magpakamatay sa pama­magitan ng pagbibigti dahil lamang sa matinding selos at hinalang may ibang karelasyon ang kanyang live-in partner sa loob ng kanilang bahay sa Parola Compound, Binondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ni PO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District-Homicide Section ang nasawing si Lorena Homeres, residente ng Gate 46, Area B, Parola Compound, Binondo.

Dakong alas-11:00 ng gabi, nang maganap ang pagpapatiwakal ng biktima.

Sa pahayag ng live-in partner na si Romulo Odang, may isang taon na silang nagsasama ni Homeres at kamakailan lamang ay naging madalas ang pagtatalo nila dahil sa pagseselos ng biktima at suspetsa na may ibang babae umano siya.

Ang mismong anak ng biktima, sa unang asawa ang nakatuklas na nakabigti ito gamit ang kable ng kur­yente na itinali sa kisame ng kanilang sala.

Isinugod pa ni Romulo at mga kapitbahay sa kalapit na pagamutan ang biktima subalit idinekla­rang patay na nang idating.

Sa Maynila pa rin, isa namang mister ang nagpakamatay din sa pakiramdam na binabalewala naman siya ng kanyang misis.

Nagbigti rin sa loob ng kanilang bahay sa Tondo­, Maynila, kahapon ng umaga­ si Mark Paulo Aliga, 25, matapos umano na hindi pansinin ng misis na si Clarita Aliga.

Nadiskubre ng inang si Virginia Aliga ang naka­biting bangkay ng anak, gamit ang kumot na ipinulupot sa leeg dakong alas-6:45 ng umaga kahapon.

vuukle comment

AREA B

BINONDO

CLARITA ALIGA

LORENA HOMERES

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARK PAULO ALIGA

MAYNILA

PAROLA COMPOUND

RODEL BENITEZ

ROMULO ODANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with