Manila, Philippines - Nagbabala ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko laban sa pagsulpot ng grupo ng mga pekeng PDEA officials na kumakalat sa iba’t ibang lugar na nagre-recruit para maging anti-drug agents ng ahensya kapalit ang pera.
Aksyon ito ng PDEA, matapos maaresto ang isang Jocelyn Mendoza-Domingo, 49, ng Pines City Royale, Brgy. San Roque, Antipolo Rizal.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., si Domingo ay nagpapakilala bilang isang “Lieutenant Co lonel Josephine Mendoza” mula sa PDEA at nagre-recruit umano para maging “Roving PDEA Agents”, kapalit ang hinihingi nilang halaga ng salapi.
Si Domingo ay naaresto sa isinagawang entrapment operation ng mga tropa ng Sta Maria Police, Bulacan sa Brgy. Parada matapos matanggap ang reklamo ng isang Salvador Dela Cruz, 39, Traffic Enforcer sa Sta. Maria, Bulacan na niloko umano ng una sa pamamagitan ng paghingi ng P1,560 bilang PDEA recruitment at processing fees.