^

Metro

Mag-iina kinikilan, binoga ng 2 lasing

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Dalawang tama ng bala ng baril sa kili-kili ang ikinasawi ng 25-anyos na negosyante, habang ang kapatid at ina naman nito ay nasa kritikal na kondisyon makaraang pagbabarilin ng dalawang lasing na humarang sa kanilang daraanan habang sakay ng Isuzu Canter sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Hindi na umabot pang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRRMC) ang biktimang si Jojohnny Ipil, alyas George, ng Brgy. San Agustin, Trece Martirez, Cavite City.

Samantala, kasalukuyan namang inoobser­bahan sa Mary Johnston Hospital ang kuya nitong si Jennifer Ipil, 27, at ang kanilang ina na si Juana Ipil, 49.

Patuloy pang nag-iimbestiga ang pulisya hinggil sa pagkilanlan ng mga lasing na suspect na armado ng baril.

Sa ulat ni PO3 Bernardo Cayabyab, ng MPD-Homicide Section, dakong alas-12:30 ng mada­ling araw nang maganap ang nasa­bing insidente sa C.M Recto Avenue malapit sa panulukan ng Juan Luna St., sakop ng Binondo.

Nabatid na katatapos lamang mamili sa Divisoria­ market ang mag-iina sakay ng Isuzu Canter (ABC-592) na kargado ng mga panindang gulay nang harangin umano ng dalawang lasing at nangingikil ng pang-inom.

Upang maka-abante, magbibigay na umano ng pera si Jennifer kaya bumaba ng sasakyan subalit binaril ito ng isang suspect at si Jo­johnny naman ay sinampal at saka dalawang ulit na binaril, kaya sumubsob sa manibela. Ang bala mula kay Jojohnny naman ay tumagos at tumama pa sa kaliwang pigi ng kaniyang ina.

Isinugod ng bystanders sa magkahiwalay na pagamutan ang mag-iina at sa JRMMC idi­neklarang dead-on-arrival si Jojohnny habang ang ina at kapatid na nasa Mary Johns­ton Hos­pital ay inoobserbahan pa.

BERNARDO CAYABYAB

BINONDO

CAVITE CITY

HOMICIDE SECTION

ISUZU CANTER

JENNIFER IPIL

JOJOHNNY

JOJOHNNY IPIL

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with