Tulong sa mga biktima ni Habagat patuloy

Manila, Philippines -  Patuloy ang pagdagsa ng tulong sa mga Manilenyo ng iba’t ibang mga public at private company na indikasyon din ng kanilang suporta kay Manila Mayor Alfredo Lim.

Kahapon ay namigay ng 1,000 kumot na kailangan ng mga biktima, ang Filipino-Chinese Cultural and Economic Association (FCCEA) sa pangunguna ni Alex Ting at Gen. John Chen, gayundin ang kanilang secretary-ge­neral na si Tsay Jing Lang at mga directors na sina Henry Chung at Kuo-Yu Yen.

Ayon kay Lim, isa lamang ang nasabing grupo na walang sawang tumutulong sa mga proyekto ng lungsod upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahihirap na residente.

Ito rin ang grupo na nagbibigay ng wheelchair na personal namang pinamamahagi ng alkalde sa mga may kapansanan.

“Usually, those requesting for wheelchairs are either physically-challenged, senior citizens or those who have been rendered immobile by various forms of illnesses. Mahihirapan sila kung magbibiyahe pa, maghahanap ng mag-aalalay sa kanila at mamamasahe pa para lang kunin ang wheelchair kaya naman ako na mismo ang nagdadala sa bahay nila,” ani Lim.

Samantala, namahagi din si Lim kasama sina Manila Social Welfare Department chief Jay dela Fuente at MPD-station 8 chief, Supt. Frumencio Bernal ng mga relief goods sa may 1,000 pamilya sa Baltao area sa Sta. Mesa, Maynila.

Show comments