^

Metro

1 pang preso pumuga sa Bilibid

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi pa man humuhupa ang isyu hinggil sa pagdukot sa convicted killer na si Rolito Go, muli na namang malalagay sa kontrobersiya ang New Bilibid Prisons sa pagkawala ng isa pang inmate dito.

Kahapon ay napasugod si Department of Justice (DOJ) Sec. Leila de Lima at kasalukuyang officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor) sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City matapos na madiskubre muli ang pagkawala ng isa pang inmate sa loob ng maximum security compound.

Ayon kay De Lima, nawawala ang inmate na si Rommel Laciste na convicted sa kasong murder na hinatulan ng Regional Trial Court ng Isabela.

Noong nakaraang taon lamang inilipat si Laciste sa Bilibid.

Sinabi ni De Lima na isa sa mga teorya na kanilang tini­tingnan ay ang posibilidad na nakisakay si Laciste sa isang truck na nagde-deliver ng supply sa loob ng kulungan kung kaya’t nakatakas ito.

Nabatid na tatlong araw nang pinaghahanap ngayon si La­ciste subalit hindi pa rin ito nakikita at isang search team ang kaagad na binuo ng kalihim para hanapin ang naka­walang preso. Pinulong din ni De Lima ang mga opisyal ng NBP at malaman ang kasalukyang estado ng paghahanap kay Laciste.

Tinitingnan din ni De Lima ang posibilidad na pagrepaso ng regulasyon sa NBP sa posibilidad na nagiging maluwag ang seguridad dito kung kaya’t natatakasan ng mga preso sa iba’t ibang paraan.

BUREAU OF CORRECTIONS

DE LIMA

DEPARTMENT OF JUSTICE

LACISTE

MUNTINLUPA CITY

NEW BILIBID PRISONS

REGIONAL TRIAL COURT

ROLITO GO

ROMMEL LACISTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with