Pagsuspinde sa driver's license ng motoristang nanapak sa traffic enforcer, inilatag na ng LTO
MANILA, Philippines - Inilalatag na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagsususpinde sa driver’s license ng motoristang nanapak ng isang traffic enforcer noong nakaraang Sabado.
Ayon kay LTO-National Capital Region Director Teofilo Guadiz, hinihintay na lang anya nila ang ni-request nilang opisyal report, video at iba pang ebidensya sa Metro Manila Development Authority (MMDA, ) kaugnay sa nangyaring pananapak ni Robert Blair Carabuena kay Traffic Constable Saturnino Fabros sa Quezon City para sa pagsisiyasat.
Umaasa ang LTO na matatanggap nila ang mga nasabing requirements hanggang kahapon at kapag napag-aralan na nila ay maaari na silang maglabas ng preventive suspension sa lisensya ni Carabuena.
Sinasabing 60 araw na mananatili ang suspension order hanggang hindi pa umano natatapos ng kagawaran sa iba pang paglabag sa batas-trapiko ni Carabuena.
Kapag lumabas sa pagsisiyasat na may nagawa itong mas mabigat na kasalanan, gaya na lamang ng assault of person in authority, resisting arrest at iba pa ay irerekomenda nila ang tuluyan nang pagkansela ng lisensya ni Carabuena.
- Latest
- Trending