Bebot itinumba sa QC

MANILA, Philippines - Butas ang kanang sentido ng isang babae makaraang barilin ng hindi natukoy na salarin sa harap ng isang bahay sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Kinilala lamang ang biktima sa alyas na Aileen­, 36, may mga tattoo sa katawan tulad ng imahe ng bulaklak sa leeg, hugis puso at salitang “Nikan” sa likod.

Isang lalaki na may taas na 5’4’’, nakasuot ng sombrero, itim na jacket at maong na pantalon ang sinasabing bumaril sa biktima.

Na­tagpuan na lamang ang biktima ng isang Cloyd Fernandez sa harapan ng bahay nito sa San Miguel St. Brgy. Payatas sa lungsod, ganap na alas-8:15 ng gabi.

Sa pahayag ni Fer­nandez, nasa kasarapan siya ng panonood sa tele­bisyon sa loob ng kan­yang bahay nang makarinig siya ng isang putok ng baril mula sa labas.

Agad umanong lu­mabas si Fernandez upang tingnan ang pinagmulan ng putok, kung saan tumambad sa kanya ang duguang bangkay ng biktima.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

Show comments