28-anyos dedo sa kaaway ng utol
MANILA, Philippines - Todas sa bala ang isang 28-anyos lalaki nang ipagtanggol ang kanyang utol sa kaaway sa Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Nakilala ang nasawing biktima na si Expedito Rodas, ng J. Posadas St., Punta, Sta. Ana, Maynila.
Tinutugis naman ang suspect na si John Rey Francia, 28, ng nabanggit ding lugar.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente matapos na makaalitan ni Rene Rodas, kapatid ng nasawi ang suspect.
Umawat ang biktima na nauwi sa pakikipagtalo niya sa suspect.
Umuwi umano ng bahay ang biktima at binalikan ang kapatid upang alalayan sa pakikipag-away subalit nang maglabas ng baril ang suspect ay siya ang binaril sa ulo at tiyan.
Nang bumulagta ang biktima ay tumakas na ang suspect habang isinugod sa pagamutan ang una subalit hindi nagtagal ay nalagutan na ng hininga.
- Latest
- Trending