^

Metro

3 holdaper patay sa engkwentro

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlo na namang mga holdaper ang bumulagta nang makipagpalitan ng putok ng baril sa mga pulis makaraang mang­holdap sa isang dyip sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ni PO3 Rodel Benitez, ng MPD-Homicide Section, ang isa sa mga nasawi na 5’ hanggang 5’1’’ ang taas, payat, may tattoo sa leeg ng “Bahala na Gang”, naka-tsinelas na puti at armado ng ka­libre .45; ang pangalawa naman­ ay may taas na 5’1’’ hanggang 5’2’’, may tattoo sa kanang kamay na apat na bola na ang kahulugan umano ay “Bahala na Gang”, nakasuot ng kulay itim na pantalon, green na t-shirt, orange na sombrero at may dalang kalibre .38 habang ang pangatlong suspect ay may taas sa pagitan ng 5’2’’ hanggang 5’4’’, katamtaman ang panga­ngatawan, may tattoo na “Bandola” sa kaliwang leeg at armado ng kalibre 38. Pawang nasa edad na 35-37-anyos ang mga nasawi.

Naganap ang insi­dente dakong alas-12:55 ng hapon sa ibabaw ng Dimasalang bridge sa Sta. Cruz, Manila.

Nauna ito, nagsasa­gawa ng Anti-Crime Patrol­ ang mga kagawad ng MPD-Station 3 (Sta. Cruz) sa pamumuno ni SPO3 Rowel Robles nang lapitan sila ng mga biktimang sina Crispin Mendoza, 28,; Christopher Manalili, 38 at Dennis Lara, 28, pawang residente ng Lope de Vega St., Sta. Cruz, Maynila dahil sa panghoholdap sa kanila sa loob ng pampasaherong dyip.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis kung saan namataan ang tatlo na naglalakad sa ibabaw ng tulay ng Dimasalang na sinita ng mga una subalit agad silang pinaputukan ng tatlo hanggang sa gumanti ang mga pulis at nagresulta sa kama­tayan ng mga suspect.

Personal namang itinuro ng mga biktima ang mga suspect na nagkunwaring mga pasahero at lumimas ng kanilang mga mahahalagang gamit at cash habang sakay sila ng dyip na Quiapo-Dimasalang.

ANTI-CRIME PATROL

BAHALA

CHRISTOPHER MANALILI

CRISPIN MENDOZA

CRUZ

DENNIS LARA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with