^

Metro

Operasyon naapektuhan, LRT Line 2 tinamaan ng kidlat

- Danilo Garcia - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Naapektuhan ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (Santolan-Recto) makaraang tamaan ng kidlat ang linya nito na nagpapatakbo ng mga tren, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRT Authority, dakong alas-11:10 ng umaga nang tamaan ng kidlat ang “ca­tenary line” sa kanilang Santolan Station reversing area sanhi upang mapigilan ang pagbalik ng mga tren patungo ng Recto.

“The lightning struck down the catenary line of Track No. 3 at Santolan Station reversing area thereby preventing any reversion operation,” ayon kay Cabrera sa kanyang Twitter account.

Dahil dito, napilitan ang LRT Line 2 na putulin ang operasyon sa Santolan at Katipunan Stations habang tuloy ang biyahe mula Anonas­ hanggang Recto Stations.

Agad namang inum­pisahan ng LRTA ang “repair operations” sa Santolan station ngunit sinabi ni Cabrera na patuloy ang malalakas na kidlat sa Santolan kung saan nalagay sa panganib ang kanilang “repair crews”.

Habang isinusulat ito, sinabi ni Cabrera na ina­asahan na matatapos ang pagkukumpuni ng nasira nilang equipment sa buong maghapon at babalik sa normal ang operasyon ng buong Line 23 ngayong Martes.

ANONAS

CABRERA

DAHIL

HERNANDO CABRERA

KATIPUNAN STATIONS

LIGHT RAIL TRANSIT LINE

RECTO STATIONS

SANTOLAN

SANTOLAN STATION

TRACK NO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with