^

Metro

Manilenyo, dapat tumulong sa paglilinis ng lungsod -- Lim

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Umapela si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga residente ng lungsod na makiisa sa kalinisan  at pagpapaganda ng lungsod matapos ang unos dulot ni Habagat.

Ang pahayag ni Lim ay kasunod na rin  ng ilang araw na pagbaha na nagresulta ng pagkakatambak ng mga basura sa iba’t ibang lugar  sa Maynila.

Ayon sa alkalde, pi­nagtutuunan nila ng pan­sin ngayon ang paghakot ng basura mula sa tatlong araw na pag-ulan. Aniya, double-time ngayon ang mga ta­uhan ng city hall upang maging mabilis ang pag­lilinis sa mga lugar na binaha ng todo.

“Sana ay tumulong naman ang bawat isa sa atin.  Kailangan may citizen involvement sa problemang ito. Di pupuwede na iasa lahat sa gobyerno,” ani Lim.

Kasabay nito ay umapela rin ang alkalde sa mga punong ba­rangay na pangunahan ang paglilinis ng paligid.

“Sa ating mga barangay chairmen na ka­tuwang natin sa pag­lilinis ng barangay, sila po sana ang manguna, ireport lang po sa amin kung may mga basura pa sa lugar nila na hindi pa nadadaanan ng trak natin,” dagdag pa ni Lim.

Samantala, nagtungo si Lim sa Damka area sa Sta. Mesa kung saan namigay ito ng gift packs at financial assistance sa may 2,000 residents na dumanas din ng matin­ding pagbaha.

ANIYA

AYON

DAMKA

HABAGAT

KAILANGAN

KASABAY

MANILA MAYOR ALFREDO S

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with