^

Metro

Bangkay ng lalaki itinapon sa QC

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na tadtad ng tama ng saksak sa buong katawan ang natagpuan sa may harap ng isang bangko sa lungsod Quezon kahapon ng mada­ling araw.

Ayon kay SPO1 Randy Bantillo, may-ha­­wak ng kaso, ang biktima na wa­ lang pagkakakilanlan ay isinala­rawan sa edad na 40-45, may taas na 5’1, nakasuot ng puting sando at asul na short pants.

Sinabi ni Bantillo, ang biktima ay nadiskubre ng isang Rommel Bumagat habang nakahandusay at naliligo sa sariling dugo sa harap ng Allied Bank na matatagpuan sa kahabaan ng Aurora Boulevard, corner  Lauan St., Brgy. Duyan-duyan sa lungsod ganap na alas-4 ng madaling araw.

Ayon kay Bumagat, naglalakad siya sa nasabing lugar nang mapuna niya ang biktima na nakahandusay at may umaagos na dugo sa ilong.

Dahil dito agad na ipi­­nagbigay alam ni Bu­magat ang nakita sa Barangay hall ng Duyan-Duyan na siya namang humingi ng assistance sa pulisya.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) ang bik­tima ay nagtamo ng multiple stab wounds sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan na siyang agad na ikinamatay nito.

Sa kasalukuyan, p­a­tuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa naturang insidente upang mabatid ang pagkaka­kilanlan ng biktima at ang ugat ng pagpatay dito. 

ALLIED BANK

AURORA BOULEVARD

AYON

BANTILLO

BRGY

LAUAN ST.

RANDY BANTILLO

ROMMEL BUMAGAT

SCENE OF THE CRIME OPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with