^

Metro

Nakaaway sa kuryente rumesbak: Mag-asawa, anak minasaker

- Danilo Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlong miyem­bro ng isang pamil­ya ang pawang nasawi habang kritikal naman ang isa pa ma­karaang pagba­barilin ng umano’y dating kapitbahay sa kanilang bahay, kahapon ng ma­da­ling araw sa Caloocan City.

Agad na nasawi da­hil sa tinamong mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Prudencio Torres, misis na si Milagros at anak na si Marjorie, pawang mga naninirahan sa Phase 7, Bagong Silang, ng naturang lungsod.

Isinugod naman sa ospital si Jonalyn, 13 na nasa kritikal na kalagayan.

Isa naman sa mga suspect na nakilalang si Charlie Balboa, da­ting kapitbahay ng biktima ang itinuro ng mga testigo. 

Posible umano na may iba pa itong kasamahan na iniim­bestiga­han ngayon ng mga oto­ridad.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Po­­lice, dakong alas-5 ng madaling-araw nang pasu­kin ng mga salarin ang bahay ng pamilya Torres at pagbabarilin habang nakahiga.

Agad na nagsitakas ang mga salarin makaraan ang krimen.

Sa maigsing pana­yam kay Jonalyn, sinabi nito na may nakaaway ang kanyang ama na pinagbantaan na papatayin dahil sa away sa kuryente sa kanilang lugar.

Sinabi ni Caloocan Police chief, Sr. Supt. Jude Santos, na may naka-blotter rin sa ka­nila na pinagpupukpok ni Prudencio ng bakal sa ulo ang anak ng suspect na si Balboa limang buwan na ang nakalilipas.

Kanilang nakilala rin ang suspect dahil sa gi­namit na motorsiklo ng salarin sa pagtakas.

Na­katakda namang bigyan ng seguridad ng pulisya ang nakaligtas na si Jonalyn at ang mga testigo na lumantad sa natu­rang kaso.

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY PO

CALOOCAN POLICE

CHARLIE BALBOA

JONALYN

JUDE SANTOS

PRUDENCIO TORRES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with