Pulis naglilinis sa binaha niyang bahay, patay sa kuryente

MANILA, Philippines - Patay ang isang pulis matapos itong makuryente habang naglilinis ng kanyang binahang bahay noong Huwebes sa Taguig City.

Sa naantalang report ng Taguig City Police kahapon, kinilala ang biktimang si SPO3 Joel Gachitorena Ernea, naka­talaga sa Internal Affairs Section (IAS) ng Southern Police District Office (SPDO) at residente ng Rohale St., Kalsadang Bago, Brgy.  Tipas, ng nabanggit na lungsod.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga habang naglilinis ang biktima sa binaha niyang bahay. Habang nakayapak ito ay hindi inaasahang nagkaroon ng short circuit sa koneksyon ng kanilang kuryente.

Dito nakuryente ang pulis hanggang sa dinala ito ng kanyang mga kaanak sa Cruz-Rabe General Hospital, subalit idineklarang dead-on-arrival.

Show comments