^

Metro

Pagkalunod ng isang bata habang nire-rescue sa baha, pinabubusisi

- Angie dela Cruz - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Bubusisiin ng Quezon City government ang pagkamatay ng isang anim na taong gulang na batang lalaki na umano’y nahulog sa isang life boat habang nasa kasagsagan ng rescue operation sa Brgy. Bagong Silangan, Quezon City noong Martes.

Kamakalawa lamang ng umaga lumutang ang na­­aagnas ng bangkay ng anim na taong gulang na si Noel Carzon sa masukal at maputik na bahagi ng Comia St., Brgy. Bagong Silangan matapos tumaob ang sinasakyang life boat nito noong tanghali ng Aug. 7 habang isinasagawa ng barangay ang rescue operation.

Kinuwestyon ni DPOS/ Disaster Risk Reduction Management Council Action Officer Dr. Noel Lansang kung bakit hindi man lang ipinarating sa kanilang tanggapan ni barangay Bagong Silangan Chairwoman Cresell Beltran ang tungkol sa insidente.

Ayon kay Lansang, ang rescue team ng DPOS ay nakatutok sa mga binahang lugar sa lungsod at hindi nakipag-ugnayan sa kanila ang rescue team ng Barangay Silangan kaya hindi nila alam na may nalunod at nasawing bata doon.

Sinabi ni Lansang na layunin ng imbestigasyon ay para malaman kung sino ang dapat mapagpa­nagot sa naturang insidente at hindi na maulit pa ang ganitong pangyayari.

AYON

BAGONG SILANGAN

BAGONG SILANGAN CHAIRWOMAN CRESELL BELTRAN

BARANGAY SILANGAN

BRGY

COMIA ST.

DR. NOEL LANSANG

LANSANG

NOEL CARZON

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with