^

Metro

80 porsiyento ng mga evacuation centers nilisan na ng mga evacuees

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipinahayag ni Manila Social Welfare Depart­ment chief Jay dela Fuente na umaabot na sa 80 porsiyento ng mga paaralang gi­namit na evacuation centers ang nilisan na ng mga evacuees.

Ayon kay Dela Fuente, may kautusan si Manila Mayor Alfredo Lim na bigyan ng kaila­ngan tulong ang mga evacuees na nananatili sa evacuation centers at mga bumalik na sa kani-kanilang bahay.

Sinabi ni Dela Fuente na ginawa ng city government ang lahat ng  paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng nasalanta ng Habagat.

Samantala, tuluyan nang humupa ang tubig­-baha sa Lagusnilad at maging sa paligid ng Manila City Hall.

Ayon kay city engineer Armand Andres kailangan na mahigop ang tubig upang may madaanan ang mga motorist matapos ang walang humpay na pag-ulan.

Inaasahan namang magiging passable ang Recto underpass sa susunod na tatlong araw.

ARMAND ANDRES

AYON

DELA FUENTE

FUENTE

HABAGAT

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA SOCIAL WELFARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with