^

Metro

3 todas sa pamamaril ng tandem sa Caloocan

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tatlo katao ang nasawi nang pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspect sa magkakahiwalay na in­sidente sa Caloocan City  kahapon ng mada­ling-araw at kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot si Gilbert Bawen, 32, ng Bulacan St., Bagong Barrio matapos na barilin ng mga hindi pa kilalang suspect dakong alas-3:30 ng madaling- araw habang naglalakad sa Bulac­an St.

Dakong alas-12:15 din kahapon ng madaling-araw nang pagbabarilin si Ronald­ Robles, 32, ng Alas St., Heroes Del 96, Caloocan City na noo’y bibili ng sigarilyo.

Mabilis ding tumakas ang mga salarin.

Nagtamo ito ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at katawan.

Samantala, dead-on- arrival naman sa Manila Central University Hospital sanhi rin ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si  Jeffrey Monte­alegre,  21,  ng Tirona St., Bagong Barrio ng nabanggit na  lungsod.

Batay sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-8 kamakalawa ng gabi, habang naglalakad ang biktima sa Gen. Tirona St., Bagong Barrio nang bigla na lamang barilin ng isa sa hindi pa kilalang  mga suspect.

Matapos ang insidente ay sumakay ang gunman sa kasamang naghihintay na may dalang motorsiklong walang plaka bago tumakas habang dinala naman ang biktima sa nabanggit na ospital.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa mga na­sa­bing insidente at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga suspect.

ALAS ST.

BAGONG BARRIO

BULACAN ST.

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

GILBERT BAWEN

HEROES DEL

TIRONA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with