Ex-cop, 1 pa huli sa drug bust ng PDEA

MANILA, Philippines - Isang dating pulis at ka­sama nito ang inaresto ng tropa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagbebenta umano ng shabu sa La Union, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr. ang mga suspects na sina Ceferino O. Cariño Jr., dating miyembro ng provincial police force; at Joseph V. Dangalan, 35, kap­wa ng Brgy. San Francisco, San Fernando City, La Union.

Si Cariño ay sinasabing kasama sa listahan ng PDEA Regional Office 1 (PDEA RO1) Order of Battle. Na­sibak ito sa serbisyo matapos mag-AWOL.

Ang dalawa ay naaresto sa ginawang buy-bust ope­ration ng mga operatiba ng PDEA RO1 na ginawa sa mismong tahanan niya sa Brgy. San Francisco, ganap na alas-2 ng hapon.

Narekober ng mga awto­ridad sa mga suspect ang apat na sachet ng shabu, assorted drug paraphernalia, isang mobile phone at da­lawang piraso ng 500-peso bills na ginamit bilang marked money. Ang mga suspect ay nakapiit ngayon sa PDEA RO1 sa kasong pag­labag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 26 in re­lation to Section 5 (Conspiracy to Sell), Article II, ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.  

Show comments