^

Metro

Baha sa Metro Manila, humuhupa na

Nina Danilo Garcia at Ricky Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Unti-unti nang humuhupa ang tubig-baha sa maraming parte ng Metro Manila makaraang bahagyang gumanda ang kondisyon ng panahon at sumilay na ang araw kahapon.

Sa kabila nito, sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nanatiling lubog sa tubig-baha ang ilang bahagi ng Marikina, Pasig, Rizal, at CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela).

Sa monitoring ng ahensya, hanggang tuhod pa rin kahapon ang baha sa Taft Avenue sa Maynila; Lagusnilad sa harap ng Manila city hall, Recto underpass sa Maynila; EDSA-Santolan underpass sa Quezon City na pawang nagmistulang swimming pools. Hanggang bewang pa rin kahapon ang baha sa ilang parte ng Pasig City partikular na sa may Rosario­, De Castro, at Country Side.

Inilabas naman ng MMDA ang listahan ng mga kalsada na hindi madaanan ng mga sasakyan kahapon: EDSA P. Tuazon tunnel (NB at SB); BBB- MC Arthur Valenzuela; R. Papa-Rizal Avenue, Caloocan; Rosario-Tramo/Or­tigas Extn. Pasig; Life homes-Cainta Junction;Marcos Highway-Masinag, Marikina; Marcos Hi-way-Vermount Marikina (waist-deep); Maysilo Malabon (waist-deep); C-5 Eagle st. SM Hypermart Pasig (knee-deep); Kalentong (knee-deep); España-Lacson (waist-deep); Quirino Taft; Quiapo tunnel; Araneta-E. Rodriguez; Araneta-Victory (waist-deep); Camia JP Rizal -Rockwell Poblacion Makati (waist-deep).

Ang mga kalsada namang hindi makakadaan ang mga maliliit na behikulo: C4 Lascana, Malabon (knee-deep);Fatima Valenzuela (above knee-deep); Marcos Highway to Filinvest Marikina (above knee-deep) at Recto to Tomas Mapua (knee-deep).

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na inaasahan nilang lalo pang bababa ang antas ng baha ngayong Biyernes sa patuloy na pagganda ng lagay ng panahon. Nakumpuni na umano nila ang mga nasirang “pumping station” kabilang na ang nasa Taguig City at maayos nang gumagana.

Patuloy pa rin naman ang isinasagawang rescue operations sa mga lugar na patuloy ang banta ng panganib sa lagpas-taong baha. Sinabi ni Tolentino na buong puwersa ng ahensya ang nakaalerto mula pa nitong Agosto 6 katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan.

Umaabot na umano sa 20,000 katao ang nailigtas sa operasyon ng pamahalaan. Ilan sa mga lugar na tumutok ang MMDA ay sa V. Mapa at Sta. Mesa sa Manila, Salapan at Balong Bato sa San Juan, Tumana at Provident Village sa Marikina, Biak na Bato, Talayan, Tatalon, Parkway Village, Sto. Domingo at Roxas­ District sa Quezon City, at mga lugar sa Las Piñas, Pasig, Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Muntinlupa, Pasay, Mandaluyong at Makati.

ARTHUR VALENZUELA

BALONG BATO

CAINTA JUNCTION

CALOOCAN

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEEP

MALABON

PASIG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with