8,000 evacuees sa Maynila 3 beses sinisilbihan ng pagkain
MANILA, Philippines - Tatlong beses na sinisilbihan ng mga lutong pagkain ang may 8,000 evacuees na inilikas sa magkakahiwalay na lugar at pansamantalang nanunuluyan sa walong covered court sa Maynila. Kasabay nito, tiniyak ni Manila Mayor Alfredo Lim na sapat ang pagkain at gamot sa mga evacuees sa iba’t ibang mga evacuation center sa lungsod habang patuloy ang nararanasang masamang panahon.
Tiniyak ni Manila-Department of Social Welfare director Jay Dela Fuente, na kahit napakahirap puntahan ang mga lugar na ginawang evacuation center sa lungsod dahil sa mga bahang kalye, patuloy nilang pakakainin ang mga inilikas na residente. Aniya, mahigpit na ipinamomonitor sa Mayor Alfredo S. Lim ang kalagayan ng mga evacuees at pagpapakain sa mga ito habang hindi pa humuhupa ang malakas na pagbuhos ng ulan.
Kahapon ng umaga ay mainit na lomi at lugaw ang ipinakain sa may 500 pamilya mula sa Happyland at Barangay Damayan at 400 pamilya mula sa Baseco Compound.
- Latest
- Trending