^

Metro

Pinas mas handa na sa baha kumpara dati -- DILG

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ipinagmalaki kahapon ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo na mas handa na sa kalamidad ang bansa dahil sa pinaigting na kakayahan ng local government hinggil sa disaster readiness and prevention. Ayon kay Rob­redo, ang mga local government units (LGUs), mula probinsya hang­gang sa barangay level ay mas handa na ngayon sa mga pagbaha dahil sa patuloy na pagsasanay, pagkakaroon ng ma­ayos na kagamitan, at koordinasyon sa isa’t isa.

Gayunman, giit ng kalihim, ang hamon lamang anya ay hindi lamang sa teknikal na kaalaman ng LGUs, kundi ang maayos na koordinasyon sa mga mamamayan. Hinalimbawa ni Robredo ang Association of Fire Volunteers, Quezon province at DILG Region 2 na bagama’t hindi tinamaan ng habagat ay tumulong naman sa rescue operations sa mga apektadong residente ng pagbaha.

Gayundin ang mga emergency responders, tulad ng Phi­lippine National Police (PNP) at Bureau of Fire Protection (BFP), na halos hindi natulog sa pagtulong sa mga biktima at pamilyang na-estranded sa kanilang mga tahanan matapos salantahin ng pagbaha.

ASSOCIATION OF FIRE VOLUNTEERS

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

GAYUNDIN

GAYUNMAN

HINALIMBAWA

IPINAGMALAKI

NATIONAL POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with