^

Metro

7 anyos na bata bugbog sarado, suspect huli

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Isang lalaki ang dinakip ng mga tauhan ng Manila City Hall Public Assistance (CHAPA) at ng Manila Social Welfare Department matapos na ireklamo ng pambubugbog sa isang 7-anyos na bata kamakalawa sa Sampaloc, Maynila.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 7610 o Child Abuse Law at Physicai Injury si Alfredo Ballo ng Arangga St. Sampaloc,  Maynila matapos arestuhin ng CHAPA sa pangu­nguna ni  Sr. Insp. Rolando Lorenzo, Jr.

Lumilitaw sa  record na ang biktimang itinago sa pangalang  Boy  ay nakatira sa bahay ng suspect matapos na kupkupin umano ng  kapatid nito.

Nagtamo ng mga pasa sa ulo, mukha, braso at binti ang bata.

Nabatid na  isang kapitbahay ng biktima ang  humingi ng tulong kay Bgy. Chairman Archie Rosales  dahil sa paulit-ulit na pananakit ng suspect sa biktima tuwing malalasing at umano’y nasa ilalim ng  impluwensiya ng ipinagbabawal na gamot.

Napag-alaman na ang ina ng bata ay biktima ng  salvage noong Abril sa Quiapo, Maynila habang ang  ama nito ay kasalukuyang nakakulong sa Muntinlupa.

Hindi na umano matiis ng kapitbahay ang pagmamalupit at pambubugbog ng suspect sa bata kung kaya’t agad na siyang nagtungo sa CHAPA at MSWD.  

ALFREDO BALLO

ARANGGA ST. SAMPALOC

CHAIRMAN ARCHIE ROSALES

CHILD ABUSE LAW

MANILA CITY HALL PUBLIC ASSISTANCE

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

MAYNILA

PHYSICAI INJURY

ROLANDO LORENZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with