^

Metro

Brgy. chairman nakunan ng video habang nagdo-droga sa brgy. hall

Nila Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakatakdang ipagharap ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang barangay chairman na nakunan ng video habang gumagamit ng iligal na droga, kasama ang isang babae, sa mismong barangay hall sa Tondo, Maynila, batay sa ulat kahapon ng Manila Police District-District Anti-Illegal Drugs (MPD-DAID).

Sa report ni Senior Inspecto­r Eduardo Pama, ma­linaw na iligal ang gina­gawa ni Augusto “Jojo” Salangsang, Chairman ng Brgy 261, Zone 24, District 2, base sa video footage kaya inimbitahan nila ito upang imbestigahan, dakong alas- 5:30 ng hapon kamakalawa.

Gayunman, nilinaw ni Pama na hindi inaresto si Salangsang kundi inimbi­tahan lang dahil hindi naman aktuwal nilang nasaksihan ang paggamit ng droga, kung saan makikita sa video na ka-jamming nito ng isang ‘striker’ umano na si alyas “Neneng Pilay”.

Iniimbestigahan ang na­sabing chairman na tumatanggi pa na siya ang nasa video.

Kaugnay nito, iniutos na ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na kasuhan ng administratibo at kriminal si Salangsang.  

AUGUSTO

BRGY

DRUGS ACT

EDUARDO PAMA

GAYUNMAN

MANILA MAYOR ALFREDO S

NENENG PILAY

REPUBLIC ACT

SALANGSANG

SENIOR INSPECTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with