^

Metro

Trader, 1 pa timbog ng PDEA: 1 kahon ng ilegal na droga nakumpiska

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isang negosyante at kasamahan nitong babae ang inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ginawang anti-narcotics operation kung saan nakumpiska ang isang kahon ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P1.1 milyon sa Parañaque City, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga suspects na sina Joel Ng, 48, negos­yante ng Muñoz St. Carmel 5 Subdivision, Tandang Sora, Quezon City; at Marylou Gumban, 36, ng Villamor Airbase, Pasay City.

Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr. ang operas­yon ay isinagawa sa may parking area sa panulukan ng LC Gatches at Kalaw Sts, Brgy. BF Homes, Parañaque City, ganap na alas-7:30 ng gabi.

Isang poseur buyer mula sa PDEA ang nagkunwa­ring bibili ng droga sa mga suspect kung saan matapos na i-abot ng mga huli ang 400 ampoules ng Nalbin (nalbuphine), 6,400 pieces ng Valium (diazepam) tablets, at 400 ampoules ng Dormicum (midazolam) ay saka sila inaresto.

Bukod sa droga, nakuha din sa mga suspect ang isang cellular phone at sports utility vehicle na ginagamit nila sa illegal drug transactions.

Ayon kay Gutierrez, ang mga nakumpiskang items (nalbuphine, diazepam at midazolam) ay kabilang sa listahan ng dangerous drugs sa ilalim ng Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous­ Drugs Act of 2002, dahil sa seryosong epekto nito sa utak ng tao kapag inabuso.  

AYON

COMPREHENSIVE DANGEROUS

DIRECTOR GENERAL UNDERSECRETARY JOSE S

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS ACT

ISANG

JOEL NG

KALAW STS

MARYLOU GUMBAN

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with