^

Metro

Navotas City isinailalim sa state of calamity

- The Philippine Star

MANILA, Philippines - Idineklara na ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ang state of calamity sa lungsod dahil sa epekto ng pagbuhos ng malakas na ulan na dulot ng hanging habagat at ng papalayong bagyong Gener.

Dahil dito, nakatakdang maglabas ng P30 million ang lungsod mula sa kanilang calamity fund na gagamitin sa pangangailangan ng mahigit na 500 pamilya na nasalanta dahil sa pagtaas ng tubig-baha.

Ilang mga pumping station din ang kailangan na maipagawa upang malabanan ang pagtaas ng tubig.

Nakaantabay pa rin ang mga Joint Rescue Team na binu­buo ng iba’t ibang government agencies mula barangay hanggang national level.

“Ang pagtaas ng tubig ay sanhi ng pag-apaw ng tubig mula sa Manila Bay kaha­lintulad ng nangyari noong Bagyong Pedring kung saan mabilis ang pagpasok ng tubig dahil sa storm surge,” ani pa ni Tiangco.

Samantala, nagpakalat na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng apat na team ng frogmen at mga rubber boats sa mga binahang lugar sa Malabon at Navotas. (Lordeth Bonilla at Ludy Bermudo­)

BAGYONG PEDRING

DAHIL

GENER

IDINEKLARA

JOINT RESCUE TEAM

LORDETH BONILLA

LUDY BERMUDO

MANILA BAY

NAVOTAS MAYOR JOHN REY TIANGCO

PHILIPPINE COAST

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with