^

Metro

Trader dedo sa ambush

- Angie dela Cruz, - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante na may-ari ng isang eskuwelahan matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang mga salarin habang ang una ay sakay ng isang AUV sa Caloocan City kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Commonwealth General Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan ang biktimang si Joely Wilson Losaya, 42, ng Miramonte Heights, Little Baguio ng nabanggit na lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon habang tini-testing ng biktima ang bagong gawa nitong AUV kung saan kasakay pa ang dalawang kasambahay. Pagsapit sa kahabaan ng Catmon St., Amparo Subdivision ay bigla umano itong hinarang at pinagbabaril ng mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang dinala naman ang biktima ng kanyang mga kasambahay. Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpaslang habang nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ukol dito.

vuukle comment

AMPARO SUBDIVISION

BLANGKO

CALOOCAN CITY

CATMON ST.

COMMONWEALTH GENERAL HOSPITAL

JOELY WILSON LOSAYA

LITTLE BAGUIO

MATAPOS

MIRAMONTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with