^

Metro

Babae tumalon mula 5th floor ng condo

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Masuwerteng nakaligtas sa kamatayan ang isang babae na nagtamo lamang ng bukol sa ulo matapos na magtangkang magpakamatay sa pama­magitan ng pagtalon mula sa ika-limang palapag ng isang condominium unit dala ng depresyon sa lungsod Quezon, kahapon.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nakilala ang biktima na si Mary Joselyn Basillio, 22, na idineklarang ligtas na sa kamatayan matapos na walang makitang anumang pinsala sa kanyang katawan ng dalhin sa Commonwealth Hospital.

Nangyari ang insidente sa may Smile Citihomes, Brgy Kaligayahan sa lungsod pasado alas-10 ng umaga.

Ayon sa tatay ng biktima, bago ang insidente ilang araw na umano nilang napapansin na malungkot ang anak dahil sa depresyon matapos na sisihin ng mga magulang umano ng kanyang dating boyfriend na nagpakamatay.

Matapos nito ay nakitulog umano ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan na si Danly Martinez na nakatira sa nasabing condo, hanggang sa mangyari ang nasabing pagtalon. Sinasabing sa pagtalon ng biktima ay bumagsak ito sa bubungan ng isang kotse na ugat ng kanyang natamong bukol.

“Sa napakataas ng tinalon niya, madalang na lang ang hindi nagkakabali sa katawan masuwerte siya at bukol lang sa ulo yung sa kaniya,” pahayag ng ama ng biktima.

AYON

BRGY KALIGAYAHAN

COMMONWEALTH HOSPITAL

DANLY MARTINEZ

MARY JOSELYN BASILLIO

MASUWERTENG

MATAPOS

NANGYARI

QUEZON

SMILE CITIHOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with