MANILA, Philippines - Nagsimula na ang Quezon City government para sa isang mandatory screening sa mga tauhan sa city council upang maglaho na ang alegasyon na may mga ghost employees dito partikular sa QC council.
Ang hakbang ay kasunod ng naglalabasang ulat noong nakaraang mga linggo na sinasabing nagkaroon umano ng mga ghost employees sina QC councilors Roderick Paulate at Francisco Calalay. Ang alegasyong ito ay pinatotohanan na ng dalawang lokal na opisyal na lehitimo ang lahat ng kanilang mga tauhan.
Kahapon, pinangunahan ni QC Vice Mayor Joy Belmonte at Councilors Bong Suntay at Eufemio Lagumbay ang pagsasagawa ng screening sa mga tanggapan ng majority at minority floor leaders, city personnel office, at budget department.
Ayon kay Belmonte, layunin ng naturang proseso na maipakita ang transparency at maipabatid sa publiko na walang ghost employees sa QC council.
Sa ilalim ng screening process na initiative ni Belmonte, ang lahat ng empleyado ay sasailalim mula interview, pagkuha ng larawan at thumb marking bago maisama sa data base system ng city council ang kanilang mga pangalan.