^

Metro

Tumulong magligtas ng buhay, nabundol, patay

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nakapagligtas ng buhay pero hindi ang kanyang sarili.

 Ito ang nangyari sa isang lalaki makaraang mabundol ang minamaneho niyang tricycle ng isang Honda Civic na agad niyang ikinamatay ilang minuto matapos ihatid sa ospital ang isang batang nagku-kumbulsyon sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni PO3 Henry Gerner Luna ng Quezon City Police Traffic Sector 4 ang nasawi na si Roger Permejo, 44, flower arranger at residente ng C. Kapilingan St., Doña Imelda sa lungsod. 

Sugatan din ang kapatid ng biktima na si Ronald Permejo na agad na nagamot sa may Jose Reyes Memorial Medical Center. Ang driver ng sasakyang Honda Civic (UKM-677) na nakabangga sa mga biktima ay kinilalang si Jeffrey Mangoda, 22, binata ng Craig St., Sampaloc Manila.

Sa ulat ni Luna, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng E. Rodriguez Blvd., East bound Damayang Lagi, sa lungsod ganap na ala-1:15 ng madaling-araw.

Bago ito, nagmalasakit umanong ihatid ng magkapatid sakay ng kanilang Kawasaki motorcycle (UV-5742) sa National Children’s Hospital ang anak ng kanilang kapitbahay na kinokumbulsyon. Nang maihatid ang bata, saka umuwi ang mag-utol sakay ng kanilang tricycle kung saan pagkalabas ng ospital at pakaliwa sana sa E. Rodriguez ay biglang sinalpok sila ng sasakyan ng suspect.

Sinasabing ang sasakyan ng suspect ay galing sa Araneta Avenue at patungo sa direction ng Tomas Morato Avenue nang pagsapit sa nasabing lugar ay aksidenteng mahagip nito ang tricycle ng mga biktima.

Sa lakas ng impact, tumilapon mula sa kanyang tricycle si Roger saka bumagsak sa sementadong kalye na naging ugat para malasog ang katawan nito at agad na mamatay.

Ayon kay Luna, itinatanggi umano ni Mangoda na siya ang driver ng Honda Civic nang mangyari ang insidente, pero base umano sa mga saksi ay siya ang nakitang nagmamaneho nang maganap aksidente.

ARANETA AVENUE

CRAIG ST.

DAMAYANG LAGI

HENRY GERNER LUNA

HONDA CIVIC

JEFFREY MANGODA

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KAPILINGAN ST.

NATIONAL CHILDREN

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with