Pekeng email para siraan ang foreign mining company, nadiskubre ng NBI
MANILA, Philippines - Hindi galing sa isang Canadian firm ang kumalat na email na nagbubunyag ng mga planong pagpatay sa ilang ilegal miners sa Balabag, Zamboanga del Sur at ang umano’y panunuhol sa ilang opisyal ng ahensya ng gobyerno, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).
Ayon kay Francis V. Senora ng NBI Technical Intelligence Division, ang email ay hindi mula sa authentic source ng TVI Resources Development Philippines Inc. (TVIRD) kundi malisyoso lamang itong ginawa.
Ang nasabing email ay kumalat noon pang nakaraang taon at mga unang buwan ng 2012 kung saan naglalaman ito ng pangsusuhol sa mga matataas na opisyal ng AFP at planong pagpatay sa mga lokal na opisyal ng nasabing lalawigan.
Bukod sa NBI, humingi rin ng tulong ang TVIRD sa Pacific Strategies and Assessments (PSA) isang international privates risk assessment and security agency na siyang nagsiyasat din sa nasabing emails.
Kapwa nadiskubre ng NBI at PSA na ang email ay sadyang ginawa lamang kabilang na rito ang “defects in the emails including: Inconsistencies between the graphic interphase in the email printouts and the actual emails from TVIRD from its email system; differences in domain addresses used in fake emails with real TVIRD emails; grammatical inconsistensies and inconsistencies with date and time stamp format and other email protocols.”
Mariin namang pinabulaanan ni dating Environment Secretary at TVIRD legal Adviser Fulgencio Factoran na sangkot sila sa anumang ilegal na gawain.
Ang TVIRD, ay may kaugnayan sa Canadian firm na TVIRD Pacific Inc. na siyang kauna-unahang kumpanya na pinapayagan ng gobyerno na magsagawa ng mining operations sa bansa.
- Latest
- Trending