^

Metro

Pagkamatay ng electrician sa loob ng US Embassy sisiyasatin ng MPD, NBI

- Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nagpapasaklolo kahapon sa Manila Police District (MPD) at National Bureau of Investigation (NBI) ang kaanak ng isang  electrician na sinasabing inatake sa puso, sa pagdududang may ‘cover-up’ sa sanhi ng pagkamatay nito habang nasa construction site sa loob ng US Embassy , sa Roxas Boulevard, Ermita, Maynila.

Ayon kay PO3 Henry Navarro, ng Manila Police District-Homicide Section, hindi umano inireport agad sa kanilang tanggapan ang insidente ng pagkamatay ng biktimang si Ronnie Senon, 30, tubong Zamboanga del Norte, na umano’y idineklarang dead on arrival sa Manila Doctors Hospital, nitong Sabado ng umaga.

Nang malaman umano ng kapatid ng biktima na si Joel Senon na heart attack ang nakalagay sa death certificate ay nagduda ito kaya hiniling sa NBI na i-awtopsiya ang bangkay dahil duda siya na sanhi ng pagkakuryente ang sanhi ng kamatayan.

Ani Navarro, sa Lunes pa nila malalaman ang resulta ng awtopsiya na isinagawa ng NBI.

Nabatid na ang biktima ay konektado sa Integrated Contractor and Plumbing Works Inc., sub-contractor ng Makati Development Corporation (MDC), bilang electrician,  na gumagawa ng istruktura sa US Embassy.

Nais umanong matiyak ng kaanak ng biktima na walang itinatago ang sub-contractor na siyang may pananagutan sakaling matukoy sa awtopsiya na nakuryente at hindi ordinaryong atake sa puso ang insidente.

vuukle comment

ANI NAVARRO

HENRY NAVARRO

INTEGRATED CONTRACTOR AND PLUMBING WORKS INC

JOEL SENON

MAKATI DEVELOPMENT CORPORATION

MANILA DOCTORS HOSPITAL

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

RONNIE SENON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with