^

Metro

Alagang aso, pusa, ibon ng mga taga-QC dapat na iparehistro

- Angie­ dela Cruz - The Philippine Star

 Manila, Philippines - Maaaring makulong at magmulta  ang sinumang pet owners na hindi iparerehistro ang kanilang mga alagang hayop tulad ng aso, pusa, ibon at iba pa sa Quezon City Health Department’s Veterinary Services Division (VSD) sa pagitan ng Enero 1 at Marso 31 taun-taon.

Ayon kay Quezon City  Mayor  Herbert Bautista, la­yunin nito na  mapabakunahan ang mga alagang hayop para na rin sa kapakanan at kalusugan ng mga may-ari nito mula sa  pagkalat ng rabies.

Una nang nilagdaan ni Mayor Bautista ang ordinance 2155 series of 2012 o ang “Quezon City Comprehensive Rabies Prevention and Control Ordinance,” na nananawagan  na magkaroon ng mass registration at vaccination ng domesticated animals,  pagtatayo ng isang data system para sa mga registered pets,  pag-impound sa mga unregistered at unvaccinated na hayop  at  information campaign para masawata at mapigil ang pagkalat ng kaso ng rabies sa lungsod.

May registration fee sa kada hayop ng  P100 at saka bibigyan ang may-ari ng re­gistration card na may trace number at isang tag na dapat ilagay sa pet collar kapag ito ay inilabas ng bahay.

Nakasaad din sa ordi­nansa na dapat ireport ng pet owners kung ang kanilang hayop ay dapat na ipatingin sa beterinaryo para sa  rabies symptoms.

Kapag namatay ang alagang hayop sa loob ng  14 na  observation period­, dapat ibigay ng may-ari ang cadaver ng alaga  para sa laboratory exami­nation.  

AYON

ENERO

HAYOP

HERBERT BAUTISTA

MAYOR BAUTISTA

QUEZON CITY

QUEZON CITY COMPREHENSIVE RABIES PREVENTION AND CONTROL ORDINANCE

QUEZON CITY HEALTH DEPARTMENT

VETERINARY SERVICES DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with