Tsinoy nag-suicide sa loob ng sasakyan
Manila, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang Tsinoy sa loob ng isang van na nakaparada sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga.
Dead-on-the-spot sanhi ng tama ng bala sa noo si Bryan Ang Cinco, 35, ng Paz St., Morning Breeze Subdivision ng nabanggit na lungsod.
Sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, dakong alas-9:10 ng umaga, hinahanap ang biktima ng mga kaanak nito sa loob ng kanilang bahay at nang hindi makita ay pinuntuhan ang kanilang Toyota Hi-Ace (POG-259) na nakaparada sa tapat ng bahay at laking gulat nang makitang duguan si Cinco sa loob ng sasakyan habang nasa tabi ang isang .9mm na baril.
Ipinaalam sa mga pulis ang pangyayari kung saan inaalam pa ang dahilan ng pagpapakamatay ng biktima, gayunman nagsasagawa rin ng masusing imbestigasyon upang matiyak na walang naganap na foul play sa nasabing insidente.
- Latest
- Trending