^

Metro

Brgy. Chairman na umutas sa kapwa chairman, timbog

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nadakip na ng mga tauhan ng  Manila Police District (MPD) ang  barangay chairman na bumaril at pumatay sa kanyang kapwa chairman noong Sabado ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

 Iniharap kay Manila Mayor­ Alfredo Lim ni MPD director, Chief Supt. Alex Gu­tierrez ang  suspect na si  Bgy. Chairman Jonathan Florendo 50, ng Brgy. 480 Zone 47, at anak nitong menor-de-edad, kapwa residente ng #1121 Carola St., Sampaloc.

Sinasabing ang anak ni Jonathan ang nag-abot ng baril na ginamit ng kanyang ama sa pagbaril kay chairman Hilario Romano, 56, ng Brgy. 743 Zone 47,  ng Algeciras St., Sampaloc, Maynila. 

Nabatid na nagtago pan­samantala ang suspect at anak nito sa Room 501-B ng Lourdes Mansion sa Alhambra St. Ermita, Maynila matapos ang  krimen.

Dakong alas-5 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ni Supt. Rolando Balasabas, Station Commander ng MPD-Station 4 (Sampaloc) ang sus­pect habang nag-eempake ng kanilang mga gamit. Narekober kay Florendo ang kanyang kalibre 45 na baril.

Matatandaan na dakong alas-9:15 ng gabi noong Sabado ay nagsasagawa ng monthly zone meeting ang mga Chairman ng Zone 47  sa Barangay Hall ng Brgy. 478 sa may Ma. Cristina St., Sampaloc nang dumating na nakainom umano si Florendo at may dala pang isang bote ng alak.

Nagsimula ang pagtatalo ng biktima at suspect nang pag-usapan ang paglalagay ng barangay tanod sa Ramon Magsaysay High School para sa seguridad ng mga mag-aaral.

Lalong uminit ang pagta­talo ng dalawa nang sagutin umano ng biktima ang sus­pect na huwag na itong tumulong sa paglalagay ng barangay tanod kung kontra sa panukala.

Sa puntong ito, binunot umano ng suspect ang kanyang 9mm na baril pero ma­agap na naagaw ito ni Brgy. Chairman Ruben Peña at napalabas sa barangay hall si Florendo.

Subalit tumawag ang  suspect sa anak at ipinadala ang isa pang baril na ginamit kay  Romano. Itinutok at ipinutok ni Florendo ang baril sa bintanang salamin sa direksiyon ng biktima.

Ang suspect ay kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng MPD-Station 4 at nakatakdang ilipat sa MPD-Homicide Section kasunod ang pagsasampa ng kaso sa Manila Prosecutor’s Office.

ALEX GU

ALFREDO LIM

ALGECIRAS ST.

ALHAMBRA ST. ERMITA

BARANGAY HALL

BRGY

CAROLA ST.

FLORENDO

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with