^

Metro

Kagawad binaril at napatay sa Maynila

- Doris Franche-Borja - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Sunud-sunod ang nagaganap na pamamaril sa mga barangay official matapos na isang barangay kagawad naman ang  binaril at napatay ng  mga hindi pa nakikilalang suspect sa harap ng barangay hall sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa University of Santo Tomas Hospital si Kagawad Amir Kasan ng Brgy. 384, Zone 39, District 3 sa Quiapo, Maynila.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa panulukan ng Globo de Oro at Quezon Avenue, sa Quiapo.

Ilan umano ang nakakita na dalawang hindi nakilalang suspect ang namaril sa biktima kung saan kaswal lamang na naglakad palayo sa pinangyarihan ng insidente.

Agad namang naisugod ang biktima sa nasabing pa­gamutan matapos magtamo ng tama ng bala sa katawan pero hindi rin naisalba ang buhay nito.

Nakarekober naman ang pulisya ng tatlong basyo ng .45 kalibre ng baril sa crime scene. Inaalam pa ng  mga awtoridad ang motibo ng pamamaril sa biktima.

Matatandaang Hunyo 28  nang pinagbabaril at napatay si Brgy. Chairman Sainal Shariff Pararanam ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspect habang noong  Sabado naman ay binaril at napatay naman  ni  Chairman  Jonathan Florendo ang kanyang kapwa chairman na si Hilario Romano.

BRGY

CHAIRMAN SAINAL SHARIFF PARARANAM

HILARIO ROMANO

JONATHAN FLORENDO

KAGAWAD AMIR KASAN

MATATANDAANG HUNYO

MAYNILA

QUEZON AVENUE

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with